ABUCAY, Bataan – Pinasinayaan na kahapon, ika-27 ng Setyembre ang kauna-unahanag Bahay Wika sa bansa na magkakatuwang na ipinatayo ng iba’t ibang ahensya: Pamahalaang Panlalawigan, Pamahalaang Bayan ng Abucay, DepEd-Bataan at NCIP Bataan sa Barangay Bangcal ng bayang ito.
Ilan sa mga dumalo sa pasinaya ay sina Gob. Abet Garcia, Mayor Liberato Santiago KWF komisyoner, Purificacion Delima, Komisyoner Lorna Flores at iba pang mga opisyal ng pamahalaan at DepEd.
“Pangunahing layunin nito na pasiglahing muli ang mga wikang nanganganib nang mawala sa pamamagitan ng paglulunsad ng programang pangwika na tutulong upang maituro at maipasa sa bagong henerasyon at sa susunod pa ang katutubong wika upang mapanatili pa ang pag-iral nito” saad pa ni Komisyoner. Delima.
Sa kasalukuyan,nasa 20 mag-aaral na may edad 2 hanggang 4 taon na pawang mga Ayta sa Bangkal ang kanila nang sinasanay sa loob ng Bahay Wika simula nitong pagpasok ng buwan ng Setyembre
May mga tribo ng Ayta Magbukun sa mga bayan ng Hermosa, Limay, Orion, Bagac at Morong sa Bataan ngunit sa bayan ng Abucay may pinakamalaking bilang ng Ayta Magbukon kung kaya dito naitayo ang Bahay Wika.