Pinangunahan nina Department of Agriculture Undersecretary, Dr. Ernesto Gonzales bilang panauhing pandangal at Dinalupihan Mayor Gila Garcia, ang paglulunsad ng kauna-unahang “Kadiwa ni Ani at Kita” sa buong bansa.
Ang Kadiwa, o Katuwang sa Diwa at gaWa, ay naglalayong ibaba ang presyo ng mga bilihin at gawing direct seller ang mga magsasaka nang sa gayon ay tumaas ang kanilang kita dahil hindi na ito dadaan pa sa mga middle men o mga traders; layunin din nito na ilapit ang mga magsasaka bilang mga producers direkta sa mga consumers o mamimili. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Usec Gonzales na alam na alam niya ang
pagiging magsasaka dahil dito siya galing at ito ang nagpayaman sa kanilang pamiya.
Natuwa umano siya nang sinabi ni Mayor Gila na napaka-organized ng mga magsasaka sa bayan ng Dinalupihan kung kaya’t sinabi nitong magbibigay siya ng mga malalaking proyekto sa mga magsasaka ng backyard industry gaya ng manok, baboy, kambing, baka at iba pang hayup at ito umano ay gagawin niyang isang malaking industriya at maging halimbawa ang bayan ng Dinalupihan sa buong bansa.
Samantala, sinabi naman ni Mayor Gila na natutuwa siya na napili ang kanyang bayan sa buong Pilipinas para sa paglulunsad ng programa ng DA na Kadiwa ni Ani at Kita, dahil ito mismo ang vision ng Dinalupihan na maging Modernong Agropolis sa buong Central Luzon. Inasahan umano niya, ayon pa kay Mayor Gila na, malaki ang maitutulong ng programang ito sa pagpapaunlad ng mga magsasaka.