Kumislap, nagningning at nagliwanag ang mga pailaw sa Dinalupihan

Idinaos ang taunang pailaw sa plaza ng Dinalupihan sa pangunguna nina Mayor Tong Santos, kaanib ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Fer Manalili, Congresswoman Gila Garcia at Gov. Joet Garcia.

 

Sa pangungunna ni Rev.Father Percival Medina, kura paroko ng bayan ng Dinalupihan sinimulan ang programa sa panalangin kasunod ang pagbabasbas sa belen at mga pamaskong dekorasyon sa paligid ng plaza.

 

Matapos iyon ay masayang pagbati naman ang inihatid ng mga opisyal na iisa ang mensahe sa nasabing pagdiriwang, na ang Pasko ay para sa mga bata, ayon kay Gov. Joet. Ayon naman kina Mayor Tong Santos at Cong Gila, wala umano sa ganda ng mga palamuti ang diwa ng Pasko kundi nasa ating mga puso, nasa ating mga ngiti at pagmamahal ang tunay na pagdiriwang ng Pasko.

 

Masiglang bahagi rin ng programa ang pagtugtog ng mga awiting pamasko ng Jose de Piro Kabataang Orkestra at Bandang Kawayan ng Mariveles.

 

Itinanghal din ng mga mag aaral ng Pagalanggang National High School ang inilahok nilang sayaw sa nakaraang Pawikan Festival.

Leave a comment