COVID-19 News

Kusina sa Barangay, balak ipatupad sa bansa

0

Balak ipatupad sa buong bansa lalo na sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 ang programang “Kusina sa Barangay”. Ito ang ipinahayag ng opisyal ng National Task Force on Covid 19 Coordinated Operation to Defeat Epidemic (CODE) Team matapos sa ginanap na pulong sa Oriental Hotel sa Mariveles, Bataan.

Hinangaan ni Secretary Carlito Galvez Jr. ang mahusay na liderato ni Governor Garcia kasama ang mga punong bayan kaugnay ng mga programa upang maibaba ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 hindi lamang sa bayan ng Mariveles maging sa buong Lalawigan ng Bataan. “Una kong nakita ito na ginawa sa Bataan at lumilitaw ang kanilang katapangan, ang katatagan, bayanihan spirit, dagdag pa ni Sekretaryo Galvez.
Sinabi din ng Kalihim na ang mabisang paraan para mapuksa ang COVID-19 ay ang laging pagsusuot ng face mask, face shield, social distancing at palaging paghuhugas ng kamay.

Garcia’s strong leadership, key in containing COVID 19 in Bataan

Previous article

IATF national lauds Garcia leadership

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply