banner

Limay General Hospital pwedeng gawing regional center for trauma

Written by
Limay General Hospital pwedeng gawing regional center for trauma
  • Zeny S.
  • 2 months ago

Sa groundbreaking ceremony para sa itatayong Limay General Hospital, sa kanyang mensahe, sinabi ni Gov. Joet Garcia na ito na ang simula ng katuparan ng pangarap ng mga opisyal at mamamayan ng Limay dahil wala na umanong kailangang antayin sapagkat kumpleto na ang pondong 400 M na inilaan ng bayan ng Limay, Pamahalaang Lalawigan, Cong Abet at DPWH.

Binanggit din ni Gov. Joet na mahalaga ring matututukan ni Cong Abet ang batas para sa Limay Gen. Hospital dahil gusto natin na mapasailalim ang nasabing hospital sa Department of Health dahil ayon na rin kay DOH Regional Director Corazon I. Flores ng Region 3, pwede itong maging Regional Center for Trauma dahil makatutulong ang dami ng mga industriya sa lalawigan ng Bataan.

Ayon pa sa masipag na Gobernador, naniniwala siya na sa dami ng kaibigan natin sa House of Representatives at sa Senado ay magiging smooth sailing ito. Nais naman umano ng PHILHEALTH na gawing pilot areas ang mga bayan ng Mariveles, Limay at Orion para sa Primary Care Provider Network na ayon sa Universal Health Care Law ay may ise-set up na Special Health Fund (SHF) at mula dito ay maramdaman ng mga mamamayan sa tatlong bayan ang Primary Health Care Services. Ang mga tao ay hindi na maghihintay na magkaroon ng malalang sakit para komunsulta sa doktor.

Article Categories:
Health

Leave a Reply

Shares