Business

Livelihood kits, ipinamahagi ng DTI

0

Mapalad ang 83 benipisyaryo ng Livelihood Kits na nagkakahalaga ng P10,000.00 sa ilalim ng programang “Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa” (PPG) ng Department of Trade and Industry (DTI) ngayong ika-27 ng Oktubre sa covered court ng Doña Francisca Subd. Lungsod ng Balanga.

Ayon kay DTI Information Officer Teresita Eistebar Magtanong, 37 ang benipisyaryo mula sa 1st District ang mabibiyayaan; 1 sa Morong, 7 sa Dinalupihan, 8 sa Hermosa, 8 sa Orani, 9 sa Samal at 8 sa Abucay.

Habang 46 naman ang tumanggap sa 2nd District; Balanga City-12, Pilar-12, Orion-5, Limay-2, Mariveles-10 at Bagac-5.
Ang mga livelihood kits ay segun sa kakayahan ng mga benipisyaro sa pagnenegosyo gaya ng sari-sari store, walis tambo making, food processing, pananahi at iba pa.
Kaugnay nito hiniling ni Provincial Director Nelin Ocson Cabahug, sa mga benipisyaryo na kanilang pagyamanin ang naturang kits.

“Ang DTI ay katuwang ng ating maralitang mga kababayan para muling makabangon ang mga nawalan ng trabaho nang magsimula ang panalalasa ng nakamamatay na Corona Virus” ani pa ng Provincial Director.

COVID-UPDATE: OCTOBER 26, 2020

Previous article

Isyu sa realignment sa ruta ng Subic-Clark Railway Project, naresolba

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Business