banner

“Magtiwala sa bakuna” – Sen. Bong Go

Written by
  • Zeny S.
  • 5 months ago

Sa inagurasyon at pagbubukas ng ika-112 Malasakit Center sa bansa na matatagpuan sa compound ng Mariveles Mental Wellness and General Hospital, isa sa mariing pakiusap ni Sen. Bong Go sa kanyang mensahe na, “Magtiwala sa bakuna” upang ang lahat umano ay makabalik na sa normal na pamumuhay.
“Wala naman umanong sapilitan sa pagbabakuna” ayon pa kay Sen. Go “karapatan ng tao yan at buhay nyo iyan”, ngunit muli niyang iginit na, huwag matakot sa bakuna kundi mas matakot sa COVID-19 dahil ito ay nakamamatay.

Samantala, sinabi naman ni Gob. Abet Garcia sa kanyang mensahe na pagkatapos na matanggap nang may 7,492 manggagawa sa AFAB ang tulong pinansyal mula sa pamahalaan, ay muli umano silang magkikita-kita sa mismong malaking gusaling kanilang kinaroooonan dahil gagawin nila itong vaccination center upang ang lahat ng FAB factory workers ay mabakunahan at nang sa gayon ay maabot natin ang herd immunity.

Inilahad din ni Gob. Abet na sa kanila umanong pag-uusap ni Sen. Go, ay tinalakay ang kakulangan sa pabahay para sa mga manggagawa sa FAB at kaagad namang tumugon ang butihing Senador sa pangangailangang ito.
Sa kanyang pagtatapos, pinasalamatan at pinapurihan ni Gob. Abet ang mga factory workers at tinawag silang mga bayani sa FABayanihan o mga economic frontliners.

Article Tags:
· · · ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares