HealthNews

Mahigit 100 dialysis patients, nagpasalamat

0

Mahigit 100 dialysis patients na tinutulungan ng LGU ng Dinalupuhan sa pamamagitan ng MSWDO ang nagpasalamat kina Mayor Gila at Gov. Abet Garcia sa pagkakaroon ng Dialysis Assistance Center sa Dinalupihan na anila’y malaking tulong para madugtungan pa ang kanilang buhay.

Ilan sa nakausap ng 1Bataan sa tanggapan ng MSWDO, ang nagsabing natutuwa sila na malapit lang ang centrer sa kanila kung saan makahihingi sila ng tulong bukod pa sa regular na dialysis treatment at financial assistance na galing sa pamahalaang lokal ng Dinalupihan at iba pang ahensya.

Samantala, sinabi naman ni Mayor Gila Garcia na napakalaking bagay umano ang pagtutulungan at maayos na koordinasyon nina Dr. Ina, G. Rolly Rojas at Gng. Ofel Mendoza ng MSWDO sa probinsya, na itinuturing nilang “lifeline” tulad ng financial at medical assistance mula sa PSWDO, MOA sa mga private hospitals, tulong ng dalawang kinatawan sa una at pangalawang distrito at iba pa.

Samantala ayon naman kay Gov Garcia, nais ng Pamahalaan na mailapit ang serbisyo ng dialysis at medical treatment sa ating mga kababayan, na malaking tulong umano ang center na ito upang mapabilis ang proseso ng lahat ng dokumento para sa kanilang assistance.

Dagdag pa ni Gov. Abet na malaking kabawasan sa gastos ng mga pasyente ang nasabing dialysis center dahil hindi na nila kailangang pumunta pa sa iba’t ibang ahensya sa malalayong lugar, dito ayon pa sa Gobernador ay one-stop- shop na may call center pa na pwede nilang tawagan tuwing may schedule na ng distribution ng assistance.

New Subic Freeport Expressway now open

Previous article

Sec. Dar: Central Luzon will be the major source of food

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Health