Nagkaisa ang mga lokal na pamahalaan at mga ahensya sa pagpapatupad ng batas tungo sa kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan ng Bataan.
Ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan ay muling sinariwa sa sama-samang pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) sa The Bunker kamakailan.
Sa pangunguna ni Bataan Gov. Joet Garcia, ang pagpupulong ay tumalakay sa mahahalagang isyu kagaya ng peace and order, illegal drugs, insurgency, at iba’t-iba pang isyu na may kinalaman sa pagsasaayos at pagpapatupad ng batas.
Tinalakay din sa naturang pulong ang kinakailangang pondo para sa karagdagang gusali ng ilang ahensiya. Ang pulong ay dinaluhan ng mga mayors, police officers, at stakeholders.