banner

Mayor Francis muling namahagi ng laptop sa mga guro

Written by
  • Zeny S.
  • 6 months ago

Apatnapung (40) laptop ang muling ipinamahagi ng Pamahalaang Panlungsood ng Balanga sa pamumuno ni City Mayor Francis Garcia sa mga guro ng Bataan National High School.

Ayon sa mga guro,malaking tulong ang natanggap nilang laptop dahil una, hindi na sa bulsa nila nanggaling ang malaking halaga para magkaroon nito, pangalawa, pinagaan nito ang kanilang trabaho dahil doon na mismo nila ilalagay ang lahat ng records ng mga estudyante sa halip na gagamit pa sila ng papel at ballpen bago ililipat sa computer.

Matagal na umanong ginagawa ng pamahalaang panlungsod ang pamamahagi ng laptop sa mga guro, dahil nais nilang lahat ng mga guro ay magkaroon ng laptop para mapadali ang kanilang mga gawain gayundin makasabay sila sa modernisasyon sa ating edukasyon.

Article Tags:
·
Article Categories:
Education · News

Leave a Reply

Shares