NewsPeace & Order

Mayor Jopet nagdonate ng container vans sa PNP PRO3

0

Bilang suporta at pagtulong sa Philippine National Police Regional Office 3 (PNP PRO3) nag-donate si Hermosa (Bataan) Mayor Jopet Inton ng dalawang container vans.

Ayon kay Mayor Inton, ang mga container vans ay para gawing isolation facility \ na magagamit ng mga miyembro ng kapulisan sa rehiyon.
Ang naturang donasyon na pormal na tinanggap ni Central Luzon Police Director, Police Brig. Gen. Valeriano De Leon, ay personal na kontribusyon ni Mayor Jopet kasama ang kanyang mga kaibigan.

“Ang dalawang 20-footer container vans ay magsisilbing quarantine facility sa loob ng Camp Capt. Julian Olivas, City of San Fernando, Pampanga. Ang mga pulis, kabilang ang ating PNP Bataan ang gagamit ng mga ito. Asahan niyo po na patuloy po ang suporta ng inyong lingkod sa ating mga kapulisan. Magtulungan tayo kasama ang PNP upang mapanitili ang kapayapaan sa ating Bayan at sa buong Region III,” pahayag ni Mayor Inton.

Mass immunization area, inihahanda na ng Samal LGU

Previous article

SBMA warns illegal settlers

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News