Education

Mayor Jopet namahagi ng laptops sa mga guro sa Hermosa

0

Namahagi ng laptops si Hermosa Mayor Jopet Inton sa mga guro sa mga pampublikong paaralan ng Hermosa kahapon, Lunes. “Nagsimula na po tayo ngayong araw mamahagi ng mga laptops para sa ating mga public school teachers sa Bayan ng Hermosa.

Ang mga computer laptops na ito ay mula sa Pamahalaang Bayan ng Hermosa,” pahayag ni Mayor Inton. Ayon pa sa Alkalde, ang mga laptop computers na ipinamahagi ng Hermosa LGU para sa mga guro ay upang higit na magampanan ang kanilang mga tungkulin sa online learning ngayong panahon ng pandemyang hatid ng Covid-19. Kasamang namahagi ni Mayor Inton sina Konsehala Luz Jorge Samaniego, Konsehal Patrick Rellosa, Konsehal Lou Narciso at Hermosa District Supervisor Ronie Mendoza. Kamakailan ay namahagi din si Mayor Inton ng mga bond papers at copying machines sa lahat ng pampublikong paaralan ng Hermosa.

Farmers groups get FME

Previous article

Gov. Abet thanks medical practitioners

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Education