News

Mayor Macalinao sang ayon sa “Face to Face Classes”

0

Sang ayon si Mayor Aida Macalinao ng bayan ng Samal sa pagkakaroon ng “face to face classes” na maaring maganap sa mga susunod na taon.

Ayon pa sa masipag na punong bayan, sang ayon siya dito pero hindi maraming bata sa isang room, pinakamarami na ang 20 na estudyante sa bawat klase, kung saan ang mga bata ay alternate na papasok sa bawat araw at bawat subject. At uunahin niya umano ang mga paaralan sa upland barangays dahil doon ay malinis ang simoy ng hangin at kapaligiran, dagdag pa niya.

Napagkaisahan din sa nasabing pagpupulong na dinaluhan ng mga opisyal ng DepEd sa bayan ng Samal sa pangunguna ni Mam Geolpa gayundin mga miyembro ng SB, komite ng Edukasyon na sina konsehal Ronnie Ortiguerra at konsehala Katrina Saldana at HRMO Aaron Rondilla, na ngayon palang umano ay magbubuo na sila ng disenyo, kasama ang Engineering Dept. at MHO ng mga Covid-19 proof entrances sa lahat ng paaralan sa bayan ng Samal.

Sa paliwanag ni G. Rondilla ng HRMO, upang masiguro na magiging ligtas ang pagpasok ng mga bata sa paaralan, lahat umano ng gate ng bawat paaralan ay maging covid-19 proof entrances, kung saan sa pagpasok pa lang ng mga bata ay madi disinfect na sila, nandon na ang mga hand washing areas at habang naglalakad sila patungo sa kanilang mga room ay may mga foot mat para madisinfect ang kanilang mga sapatos at hindi mawawala ang mga health protocols na pagsusuot ng face mask at face shield at ang social distancing.

Ang lahat ng ito ayon pa kay Mayor Aida Macalinao ang mga gagawin nilang paghahanda sakali’t magkaroon na ng mga face to face classes na maaring magsimula sa kalagitnaan ng 2021 o 2022.
Tinalakay din sa nasabing pagpupulong ang mga problema gaya ng depression sa mga bata at guro dahil sa hirap na pinagdaraanan sa pag aaral gayundin sa mga magulang na hindi tumututok sa pag aaral ng mga anak na kanilang bibigyan ng solusyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng programa sa mental awareness.

NGCP appeals to lawmakers to let private companies purchase COVID-19 vaccine

Previous article

Dinalupihan employees distribute food packs

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News