banner

Mensahe ni Bishop Ruperto Santos sa bagong taon

Written by
  • Zeny S.
  • 11 months ago

Hinikayat ni Bishop Ruperto C. Santos ng Diocese ng Balanga na harapin ang Bagong Taon nang may pag asa, pagkakaisa, huwag kalimutan ang pamilya at ibigay ang buong tiwala sa Diyos.

Ayon pa sa Obispo, ang nagdaang taon ay puno ng paghihirap at pangamba. Tayo’y nabigatan subali’t kailangang humarap tayo sa 2021 na may pag asa, pagtutulungan. pagdadamayan, pagkakaisa, lumapit at ibigay ang buong tiwala sa Panginoon.
Nagpasalamat din si Obispo Santos sa Bataan press people, na ayon sa kanya ay mga frontliners din na naghahatid ng balita at impormasyon sa mamamayan, na kapag alam na
umano ng mga tao ang pangyayari ay nakapag-iingat sila at nakaiiwas sa kapahamakan.
Si Bishop Santos ang nagbasbas sa bagong gusali ng Pamahalaang Bayan ng Abucay, kung saan ang pagpapasinaya ay pinangunahan naman ni Vice Mayor Robin Tagle.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares