banner

Mga bagong gusali para sa bawat departamento sa Pilar

Written by
  • Zeny S.
  • 6 months ago

Sa pamumuno ni Mayor Charlie Pizarro, bawat departamento o tanggapan sa ilalim ng Pamahalaang Bayan ng Pilar ay pinagagawan ng kani-kaniyang bagong gusali.

Kamakailan lang ay binisita nina Mayor Charlie Pizarro at Vice Mayor-elect Ces Garcia ang mga bagong gusali upang siguruhin na maayos ang mga ito bago lipatan ng mga empleyado.

Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, ito ay paghahanda na rin sa ginagawang Harbor City at upang maging maluwag ang pagkilos ng mga kawani sa pagganap sa kanilang tungkulin lalo na ang pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan. Isang halimbawa ay ang pglilipat ng tanggapan ng MSWD sa unang palapag mula sa ikalawang palapag upang hindi mahirapan ang mga may kapansanan o PWDs at senior citizens kapag humihingi ng tulong sa kanilang opisina.

Ayon pa kay Mayor Charli, marami nang mga departamento ang nakalipat na sa kanilang bagong tanggapan dahil kada may matatapos na gusali ay agad na nilang ipinagagamit, matapos na ang mga ito ay matiyak na maayos at ligtas ang pagkakagawa.

Ibinalita rin ni Mayor Pizarro na tuluy-tuloy ang konstruksyon ng Harbor City na sa darating na panahon ay tatanghalin bagong “Bonifacio Global City”.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares