News

Mga bagong kasal, may natutunan sa batas

0

Ang pamana o donasyon ay hindi bahagi o kabilang sa absolute community of property ng mag-asawa; ang cellphone ay isang exclusive personal property at hindi puwedeng pakialaman ng bawat isa.

Dalawa lamang ito sa mga natutunan ng mga bagong kasal sa “Kasalang Bayan” o mass wedding ng 56 na pares na ginanap sa Oriental Hotel sa Mariveles, noong nakaraang Biyernes.
Sinabi ni Mariveles Mayor Jocelyn Castaneda na ang anumang ari-arian na ipinamana sa esposo o esposa pagkatapos ng kasal ay property lamang ng pinamanahan, subalit makikinabang pa rin ang mag-anak. “Sinasabi ng batas na dapat maprotektahan din ang nagpamana sapagkat sinasabi ng batas na “a donor should be a happy donor,” paliwanag ng abogadang alkalde.

Ipinaliwanag pa ng mayora na pag sinabing absolute community of property, lahat ng dating pag-aari ng babae at lalaki ay magiging pag-aari na ng mag-asawa na nagpakasal.
Subalit ang mga alahas na may halaga na isang exclusive personal property ng isang esposa o esposo ay hindi kasama sa absolute community of property. “Gusto ng batas na ma-protektahan ang ating privacy,” paliwanag pa ni Castaneda.
Ang cellphone naman ay isang personal at exclusive property at hindi dapat pinakikialaman ng asawa. Ang pagsagot umano sa cellphone ng asawa ay invasion of privacy. “Kung ayaw niyang pinakikialaman ang cellphone niya wala tayong magagawa, personal niyang pag-aari yan. Depende na lang yan sa pag-uusap niyo,” paliwanag ni Castaneda.

Nagbigay ng regalong cash si Bataan Gov. Abet Garcia sa mga bagong kasal sa pamamagitan ni dating Board Member Gaudencio Ferrer, isa sa mga provincial consultants sa pamahalaang panlalawigan.

Photo courtesy of Larry Bisconde fb page.

Top INB students get cash incentives

Previous article

Opening of SBMA backdoor gate boosts Morong growth

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News