Naging benepisyaryo ng Christmas gift-giving activity ng Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD) sa pamumuno nina PNP Provincial Director Romell Velasco at Mayor Charlie Pizarro ng Pilar bilang PAGPTD chairman, ang mga batang katutubo sa bayan ng Morong.
Hindi naging madali para sa grupo ang dalhin ang may 150 Christmas loot bags na naglalaman ng mga laruan, kendi, pagkain at school supplies sa liblib at napakalayong barangay ng Kinawan na kinakailangan pang tumawid ng ilog at hanging bridge.
Subali’t masayang sinabi ni Chairman Pizarro na, “it’s worth the hard and long drive” dahil naging napakasaya ng simpleng programa para sa mga bata.
Masaya at payak ang naging mensahe ng pagbati ni Chairman Charlie Pizarro para sa mga katutubong bata at mga magulang, subalit ang higit na kumanti sa kanyang puso ay nang makita ang mga anak na masayang namimigay ng kendi sa mga batang katutubo.
Nais umano niyang makita at maranasan ng mga anak ang ganitong sitwasyon.
Hindi lamang bayan ng Morong ang dinalhan ng regalo ng PAGPTD kundi maging ang may 150 batang katutubo sa Brgy. Payangan sa bayan ng Dinalupihan.
Hindi lamang mga bata at mga magulang ang naging masaya sa nasabing gift-giving, maging ang bumubuo ng PAGPTD na nagpalaro at naghandog pa ng sayaw ang mga pulis.