Social Welfare

Mga katutubo nagbenepisyo sa community pantry

0

Laganap na ang mga community pantries sa ating bansa, na inoorganisa ng mga pangkaraniwang mamamayan, mga kabataan, grupong sibiko at iba pa.
Kamakailan lang ay 13 pamilya ng mga katutubo sa bayan ng Bagac ang nagbenepisyo sa nasabing community pantry.

Ang nakakatuwa pa rito, ang nasabing community pantry ay inorganisa ng isang pamilya, ang pamilya Reyes, na ayon sa kanila, ginawa nila ito bilang pag alala sa kaarawan ng kanilang ina at lola na si Gng.Monica Reyes.
Sinabi pa ng pamilya na sa halip na marangyang salu-salo na hindi naman pwede dahil sa pandemya ay minabuti na lang nila na tumulong at pinili ang grupo ng mga katutubo, na ayon pa sa kanila ay masasabing, “the most neglected and deprived families” sa ating lipunan.
Gayun na lamang umano ang tuwa ng mga katutubo nang makatanggap ng bigas, de-lata, itlog, noodles, tinapay at iba pa.

212 manggagawa sa Bataan, tumanggap ng livelihood package

Previous article

BAYANIHAN GRANT TO PROVINCES

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply