EnvironmentNews

Mga proyekto sa pagsasa-ayos ng Samal Eco Park, tuloy

0

Nitong nakaraang Sabado ay nagsagawa ng inspeksyon si Samal Mayor Aida De Guia Macalinao sa Samal Eco Park.
Kasama rin dito sina Samal Councilor Glen Velasco, Ecopark Chief and Municipal Assessor – Ms. Elizabeth Santos Cruz, HRMO Chief Aaron Cortez Rondilla, MENRO Madel Bathan-Sayo, at iba pang opisyal ng Samal LGU.

Ang inspeksyon ay kaugnay sa isasagawang mga proyektong pangkalikasan sa Samal Eco Park na isa sa mga priority projects ni Mayor Macalinao.
Dito rin gagawin ang mga bricks o hollow blocks na gawa sa mga non-biodegradable na basura kagaya ng plastic bottles at iba pang single use plastics.

Kinumpirma rin ng Alkalde na maglalaan ng pondo para rito ang Samal LGU para lubos na mapakinabangan aniya ito ng kanyang bayan at makatulong sa panawagan ng gobyerno alinsunod sa mga umiiral na mga batas sa solid at liquid waste management.

“Dawning of a new day” – Cong. Joet Garcia

Previous article

Bataan successfully kicks-off vaccine roll-out

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Environment