Sa pakikipagpulong ni dating Bokal Dexter “Teri” Dominguez sa mga punong barangay ng bayan ng Abucay na ginanap kamakailan ay tuwang tuwa ang mga ito nang sabhin niyang lahat ng barangay ay pakakabitan niya ng “paging system” na kanilang magagamit sa mga public announcements lalo na kapag may kalamidad na hindi na kakailanganing isa-isahin pa ang mga purok. Ang nasabing proyekto ay nakatakdang gawin sa susunod na linggo.
Nakapag uwi din si bokal Dominguez ng malaking pondo para sa dredging at de-silting ng mga ilog o kanal sa mga barangay ng Wawa, Capitangan, Calaylayan at Mabatang upang matanggal na ang mga basura at mga bumabara ditto, gayundin palawakin ang bukana ng mga ilog upang mapigilan ang pagbaha. Ayon pa kay bokal Teri, ngayon pa lang ay hinahanda na niya ang mga proyekto bago mag tag-ulan nang sa gayon ay hindi malagay sa panganib dulot ng baha ang mga mamamayan.
Marami pang proyekto si Bokal Teri, gaya ng pagpapatayo ng mga school buildings, farm to market roads at ang kanyang Love Teri Foundation na patuloy na nagbibigay ng mga tulong pinansyal sa mga maysakit na dinadala pa niya sa Maynila, sa mga senior citizens at marami pang iba.