banner

Mga proyektong imprastraktura tuloy ang pag-arangkada

Written by
  • Jonie L. C.
  • 8 years ago

Ang pondong ginamit sa lahat ng mga proyektong ito ay hinugot mula sa kanilang 20 percent development fund na inabot ng halos dalawang milyong piso (P2 Milyon).

Hinggil naman sa malaking fire truck na nakaparada sa may gilid ng Municipal Hall ipinaliwanag ng first term Mayor na matagal na umanong  walang fire truck ang bayan ng Pilar kaya nagpursige siyang humanap ng mga taong magdodonate sa kanila ng fire truck. Buti na lang umano, agad na may nagmagandang loob na isang Chinese Community Volunteer na nagbigay ng maganda at malaking fire truck, na una sa Bataan.

Ipinaliwanag pa ng butihing Mayora na hindi pa nila ito maidonate sa Bureau of Fire (BOF) sa dahilang salat din sa budget ang tanggapan ng BOF Pilar para mamintena ang naturang truck. “Sa kasalukuyan, hangga’t wala pang mga kawani na bihasa sa paggamit ng naturang fire truck, mga tauhan muna ng Bureau of Fire ang aming kukuhanin kapag may sunog  sa Pilar at karatig bayan” pahayag pa ni Mayor Pizarro.

Masaya ring ibinalita ng maybahay ng Chairman ng Metro Bataan Development Authority (MBDA) Charlie Pizarro na nakatanggap ang bayan ng Pilar ng P15 milyon piso para pondohan ang mga pangkabuhayang proyekto ng iba’t ibang ahensiya sa kanilang Pamahalaang Bayan. Tutok ngayon ang mga hepe ng mga departamento ng Pamahalaang Bayan ng Pilar, sa paggawa ng mga dokumento hinggil sa mga naiisip nilang proyekto.

Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares