Mga proyektong imprastraktura tuloy ang pag-arangkada
PILAR, Bataan –Ang farm to market road sa Sitio Aquino, sakop ng Barangay Panilao sa third class municipality na ito, ay isa sa mga proyektong imprastrakturang naipapagawa na, at halos nasa 50 porsiento na ng mga kasalukuyang pagawain, ang natapos na, kabilang dito ang concreting ng canal sa daan patungong Dunsulan Falls na sinira ng bagyong Glenda, pahayag ni Pilar Mayor Alice Pizarro.
Kasalukuyan ding ginagawa ang drainage sa Josefa Ville Subdivision sa Barangay Panilao na halos may 420 meters ang sukat na kailangan ding mayari agad hangga’t maganda pa ang panahon, para maibsan ang pagbaha pag sumasapit ang tag-ulan.









