banner

Mga resorts, nagsisimula nang magbukas

Written by
  • Jonie L. C.
  • 2 years ago

Sa unti-unting pagbaba ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, dalawang resorts ang nagbukas na sa publiko, ang Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bagac at ang Labiña Inland Resort sa Orani.

Ayon sa kawani ng Provincial Tourism Office na pinamumunuan ni Gng. Alice Pizarro, hindi pa makapagbukas ang ibang resorts dahil hinihintay pa ng mga may-ari ang ipalalabas na alituntunin ng mga yunit pamahalaang local.

Susunod na rin umanong buksan ang Dambana ng Kagitingan sa Mt. Samat sa bayan ng Pilar.

Article Tags:
·
Article Categories:
News · Tourism

Leave a Reply

Shares