banner

Mga sisiw, ipinamahagi sa mga magsasaka

Written by
  • Jonie L. C.
  • 2 months ago

Sa panahon ng pandemya muling sinimulan ng Pamahalaang Panlungsod ng Balanga ang pamamahagi ng mga day old chicks sa mga mag-sasaka sa ng lungsod.

Ayon kay Dr. Billy Andrew Enriquez Samson, ang dispersal ay kanilang isinasagawa tuwing araw ng Biyernes sa mga may samahang magsasaka.

Dumadaan muna sa isang seminar ang mga bibigyan ng mga sisiw para maalagaan nang maayos at mabuhay ang mga ito.

Ito ay isang paraan upang matulungan ang mga magsasaka lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · News

Leave a Reply

Shares