Misa para sa canonization ni Pope John Paul ll dinagsa sa Morong

    Isang misa ang idinaos sa nabanggit na lugar kung saan daan daang deboto ang dumalo  na pinangunahan nina Congresswoman Herminia Roman ng Unang Distrito, Congressman Enrique Tet Garcia ng Ikalawang Distrito kasama ang kanyang butihing maybahay Gng. Vicky Garcia, Dinalupihan Mayor Gila Garcia, Pilar Mayor Alice Pizarro, Morong Mayor Jeorge Linao kasama ang kanyang maybahay na si dating Mayor Cynthia Linao, General Manager ng BTPI Rafael Llabe, SBMA Chairman,  iba pang mga opisyal sa iba’t ibang pamahalaan at karatig lugar..

   Tuwang tuwa si Bishop Santos dahil di niya sukat akalain na ganoon karaming bilang ang dumating sa Memorial Shrine kung saan malaking rebulto ni John Pope ll ang makikita sa harap ng pinagdausan ng misa.

Matapos ang mahigit isang oras na misa, halik, yakap at picture taking sa rebulto at larawan ni Pope John ll ang ginawa ng ating mga kababayang nagmamahal sa milagrosong Papa.

   “The province of Bataan is fortunate to have been visited by Pope John Paul II and it is only fitting that we commemorate his canonization with a Mass to be offered at the very spot where he once celebrated Mass and visited refugees as part of his Pastoral Visit to the Philippines,”

   “The whole shrine is like a veritable relic that was graced by his presence,” dagdag na pahayag ni Bishop Santos.

   Sinabi naman ni Morong Mayor Linao na malaking karangalan para sa kanilang bayan ang pagbisita ni Santo Papa John ll, dahil sa bukod sa dadagsain na ito ng mga debotong turista upang mamasyal at makita ang Shrine ng Santo Papa, makikilala rin ang bayan ng Morong na isa sa mga bayan na may magagandang beach resorts sa Pilipinas.

   Idinagdag pa ni Linao na malamang na magsulputan na parang kabuti ang negosyong darating sa bayan ng Morong at ito na ang pinaghahandaan ng Provincial Government sa pangunguna ni Governor Albert Garcia, na wala sa naturang pagtitipon dahil kasalukuyang nakikipag-ugnayan  sa Korean Government ukol sa mahahalagang programa.

   May plano ang dalawang kongresista na pagandahin at maglagay ng chapel sa kinalalagyan ng rebulto ng Santo Papa.

   Ipinahayag naman ni BTPI Manager Llabe na aalagaan nila at pagsusumikapan pang pagandahin ang nasabing Parke at katunayan umano naglagay na sila ng isang resort sa loob ng Park para maengganyo ang mga investors na maglagay ng kanilang negosyo dito.

   Bago magpaalaman, nagpulong sina Bishop Santos, Congresswoman Roman at General Llabe para pag-usapan kung ano pa ang maidadagdag para mas lalo pang mapagtuunan at makaugaliang puntahan ng mga deboto ang nasabing Shrine sa Morong.

Source:
http://www.gmanetwork.com/news/photo/58615/mass-in-bataan-for-blessed-john-paul-ii-on-canonization-day