banner

MOA, nilagdaan sa pagitan ng UNC at Mt. Samat Firing Range

Written by
  • Zeny S.
  • 8 months ago

Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan sa pagitan ng University of Nueva Caceres (UNC) na kinatawan ni G. Fernando Manalili at ng Mt. Samat Firing Range na pag-aari ng pamilya ni Mayor Charlie Pizarro ng bayan ng Pilar, para sa pagsasanay sa markmanship at shooting ng mga mag aaral sa bubuksang kurso na BS Criminology ng UNC sa taong ito.

Ayon ka Ginoong Fer Manalili, School Administrator ng UNC, hindi na umano kinakailangan pang lumabas ng lalawigan ang mga mag aaral para sa nasabing pagsasanay. Nagpasalamat din siya kay Mayor Charlie Pizarro, sa pagbubukas ng pinto para sa UNC.

Tiniyak naman ni G. RB Mallari, Dekano ng Kolehiyo, na sumaksi sa nasabing paglagda, na inaasahan niyang ang mga mag aaral na kukuha ng kursong BS Criminology ay matututo nang husto dahil layunin umano ng UNC-Bataan na makapaghubog ng mga matutuwid at kwalipikadong pulis, jail personnel at security professionals sa hinaharap.

Sinabi din ni Manalili na magsisimula na silang tumanggap ng mga mag aaral para sa BS Criminology sa darating na buwan ng Agosto ng kasalukuyang taon, kasabay din ang isa pang bagong kurso na BS Accountancy.
Samantala, sinabi naman ni Mayor Charlie Pizarro na natutuwa siya na napili ang kanilang Mt. Samat Firing Range upang maging bahagi ng University of Nueva Caceres.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares