Education

Modular orientation para sa mga magulang

0

Sa panahong ito malaking bahagi ng pag aaral ng mga bata ay nakasalalay sa mga magulang, kung kaya’t sa 49 na Day Care Centers sa bayan ng Dinalupihan ay pinatutukan ni Mayor Gila Garcia sa kanyang MSWDO na si Ofelia Mendoza ang pagdaraos ng modular orientation sa mga magulang sa loob ng dalawang lingo.

Ayon kay Gng. Mendoza, malinaw nilang ipinaliwanag sa mga magulang ang malaking papel na gagampanan ng mga magulang sa mga magiging activities ng mga bata.

Matapos ipamahagi sa 2, 058 bata ang mga Aklat Adarna, tatlong beses kada linggo ay ibibigay ng mga day care workers ang mga activities ng mga bata base sa modules, at ang ikatlong beses na pagkikita ng mga magulang at day care workers, ang magsisilbing edu child session na “kumustahan” kung may problema gayundin ang pagbabahaginan ng masasayang karanasan ng mga magulang sa itinatakbo ng pag aaral ng kanilang mga anak.

Layunin ni Mayor Gila na masiguro na masaya, maayos at talagang may natutunan ang mga bata lalo na sa values, dahil ayon sa kanya ito ang magiging pundasyon ng kanilang pagkatao na kanilang dadalhin sa kanilang pagtanda.

Day Care Centers, mas tinutukan

Previous article

Efficient construction of Mulawin-Tala Road

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Education