banner

Naiibang Valentine treat ni Mayor Tong Santos

Written by
  • Zeny S.
  • 1 year ago

Kakaibang kasiyahan ang handog ni Mayor Tong Santos sa kanyang mga kababayan sa bayan ng Dinalupihan sa araw ng mga puso, kung saan nagdaos ng kauna unahang Car/Auto Show and Music Festival sa harap ng munisipyo.

Ayon kay Mayor Santos, marami ang nagsasabing hindi sila magde date dahil sa hirap ng buhay kung kaya’t naisip niya na, gawing masaya at unforgettable night ang Valentine’s Day sa pagdadaos ng isang mini concert at car show.

Mahigit sa 30 magagara at mamahaling sasakyan mula sa mga inimbita niyang kaibigan ang naidisplay sa harap mismo ng munisipyo, kabilang na rito ang ilang sasakyan ni Mayor Charlie Pizarro ng Pilar.
Sa dami nang mga dumating na tao ay iniisip na nilang ulitin ang nasabing kasayahan sa susunod na taon. Nagparaffle din si Mayor Tong Santos ng dalawang tricycle na may linya na upang magamit na sa paghahanap buhay. Ang mananalo ay mula sa mga nagpa-booster shot simula noong Setyembre 2022 hanggang Feb. 14, 2023.

Sa madamdaming mensahe na iniwan ni Mayor Santos sa mga tao, sinabi niya na ang araw ng mga puso ay hindi lamang para sa mga nag iibigan, kundi ito rin ay araw para sa lahat ng mga mahal natin sa buhay, sa ating mga magulang, lolo, lola, mga nakakatanda at mga kaibigan, huwag na umano nating hintayin na “mawala” sila bago natin malaman kung gaano sila kahalaga sa atin. Dapat araw araw ay ipadama natin ang ating respeto, pasasalamat at pagmamahal sa kanila, sa gayon wala tayong pagsisisihan sa bandang huli.

Photo Courtesy of Malasimbo BPSUDC

Article Tags:
· ·
Article Categories:
News · Social Welfare

Leave a Reply

Shares