Ito ang buod ng mensahe ni Bishop Ruperto Santos ng Diocese ng Balanga sa kanyang New Year’s message.
Ayon kay Bishop Santos, “always make yourself felt by your family, friends and other people”, palaging nakikitang gumagawa ng maganda, mabuti, nagmamahal at nagmamalasakit sa kapwa; palaging naririnig, nagsasalita nang may pagmamahal at matuto ring pakinggan ang sinasabi ng iba.
Dahil matagal din umano tayong nanatili sa bahay dahil sa COVID, ay na-miss natin ang ating mga kaibigan at mga kaanak, kaya dapat ay magkasama-sama ngayon, magkamayan, maghawak kamay, magmano at damahin ang pagiging malapit ng bawat isa.
Sa huli, binigyang diin ng Obispo ang “naririnig, nakikita at nahahawakan para ipadama ang pagmamahal”; at sa ngalan ng Simbahan, binati niya ang lahat ng “Happy New Year”!