banner

National University, nais magtayo ng campus sa Mariveles

Written by
  • Zeny S.
  • 2 months ago

Sa isang pagpupulong na ginanap sa Freeport Area of Bataan (FAB) nitong nakaraang lingo sa pagitan ng ating mga opisyal at ng National University (NU), tinalakay ang pagnanais ng mga opisyal ng nasabing unibersidad na magtayo ng campus sa bayan ng Mariveles.

Kabilang sa mga dumalo sa pagpupulong sina Mariveles Mayor AJ Concepcion, Chief of Staff Rolly Rojas bilang kinatawan ni 3rd District Representative Gila Garcia, FAB Administrator Emmanuel Pineda, FAB Corporate Affairs Technical Officer, Paul Robert Salapantan, NU Managing Director-Benjamin Uichico, NU Asst. Director for Industry Linkages – Dr. Narro Navarro, NU Baliwag Executive Director-Rufino Oliva at NU Baliwag Academic Director – Jayson Raymundo Bermudez.

Ayon kina Mayor AJ Concepcion at FAB Administrator Pineda, ito ay isang magandang oportunidad para sa ating mga guro at dagdag na kalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral at magandang pagkakataon para sa ating mga kababayan na umangat ang antas ng pamumuhay sa pamamagitan ng maayos na edukasyon.

Sa panig naman ng mga opisyal ng National University, napag alaman umano nila ang magandang imahe ng Bataan sa larangan ng edukasyon, paggawa, kalakalan at imprastraktura, partikular na ang Bataan-Cavite interlink Bridge na malaki ang magiging bahagi sa kaunlaran.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares