banner

Natututo na sila mag-segregate– VM Roman

Written by
  • Greg R.
  • 3 years ago

“ANG mga kababayan natin ay unti-unti nang natututo mag-segregate o maghiwalay ng nabubulok at hindi nabubulok,” ayon kay Orani, Vice Mayor Emmanuel Roman sa isang panayam sa kanyang opisina kamakailan. Sinabi ni Vice Mayor Roman na kahit papaano mayroon pa din ilan na tinatamad mag hiwa-hiwalay ng kanilang basura kung kaya’t hindi nahahakot ng mga truck. Ang ibang residente ay nagtatapon umano sa palengke gamit ang kanilang tricyle.
Ayon pa sa anak ng dating Bataan vice governor Serafin Roman, and pamahalaang munisipal ng Orani ay gumagastos taun-taon ng mula P7 hanggang P8 milyong para sa basura. Sa ngayon naka-kontrata umano sa Econest Waste Management Corp. ang Orani para sa paghahakot ng basura.
Umaaabot umano sa mula dalawa hanggang tatlong tonelada kada araw ang basurang hinahakot ng Econest mula sa bayan ng Orani. Nakatulong umano ang bricks na ginagawa mula sa dinurog na basura sapagkat ang bricks mula sa basura ay ginagamit sa mga pagawaing-bayan.

Article Tags:
·
Article Categories:
Environment · News

Comments are closed.

Shares