Maraming mamamayan ang pumuri at nagsabing mahusay ang liderato ni Gob. Abet Garcia sa naging paghahanda nito kapag may kalamidad tulad ng sa bagyong Ulysses, at kung sa pandemya umano ay ipinakita ni Gob. Abet kung gaano siya ka-hands on, lalo na umano kapag may padating na malalakas na bagyo.
Bago pa man dumating ang mga bagyong Rolly at Ulysses ay inatasan na ni Gob. Abet na maging alerto sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan ang iba’t ibang tanggapan sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ang Metro Bataan Development Authority (MBDA), Phil. National Police (PNP), Philippine Red Cross (PRC) at iba pang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan.
Sinabi ni Aling Ester dela Cruz ng Balanga, ramdam umano nila kapag nakatutok ang mga opisyal sa kanila dahil nakikinig at sumusunod ang mga mamamayan sa kanilang sasabihin at ipag uutos.
Ayon naman kay G. Almario Perez dahil sa pagiging handa, di gaano ang naging damages sa buhay ng mga tao at imprastraktura maliban na lang sa ating mga pananim.
At kung may tinututukan umano sa ngayon ang DILG na mga opisyal na wala sa pwesto sa kasagsagan ng bagyong Ulysses sa mga nasalantang lugar, iba sa lalawigan ng Bataan dahil dito umano ay kumilos ang lahat simula kay Gob. Abet, lahat ng mga mayors hanggang sa mga punong baranggay na nagsagawa ng mga pre-emptive at forced evacuations, paglingap at pagbibigay ayuda sa mga nasa evacuation centers at maging sa agarang clearing operations upang agad ay matanggal ang mga nabuwal na puno sa daan.
Sinabi ng mga mamamayan na bukod sa mayroon tayong mga aktibong lider ay malaki rin ang kanilang pasasalamat sa Diyos na hindi tayo nakaranas ng matinding baha tulad ng sa Bicol at Cagayan.