banner

“No Contact Apprehension”, ipatutupad sa Bataan

Written by
  • Greg R.
  • 2 years ago

Ang sinumang traffic violator o lumalabag sa batas-trapiko ay huhulihin nang walang physical contact sa traffic enforcer. Ito ay ipatutupad ng pamahalaang-panlalawigan ng Bataan kasunod ng isang ordenansang ipinasa kamakailan ni Board Member Romano L. Del Rosario sa Sangguniang Panlalawigan.

Sa ilalim ng ordenansa na pinamagatang: “An Ordinance Enacting a ‘No Contact Apprehension Program in Bataan, Subject to All Existing Laws and Applicable Rules and Regulations,” ang paghuli sa mga lumalabag sa batas-trapiko ay isasagawa ng mga traffic enforcers sa pamamagitan na lamang ng makabago at “state-of-the art” evidence-based technology na hindi kailangan ang physical contact or harap-harapang pagtatalo sa pagitan ng motorista at traffic enforcer.

Ang Pamahalaang Panlalawigan ay makikipag-ugnayan sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Regulatory and Franchising Board (LTFRB) para sa pangalan at tirahan at iba pang informasyon tungkol sa sasakyan ng motorista na nakagawa ng paglabag sa batas-trapiko upang maipadala sa kanya ang notice of violation.

Nakasaad din sa ordenansa na ang pagbabayad ng multa (fine) ay gagawin at tatanggapin ng Provincial Treasurer’s Office sa pamamagitan naman ng accredited banks, payment centers, internet banking, at mobile money.
Magkakaroon din ng Bataan Traffic Adjudication Board (BTAB) na siyang tatanggap ng mga reklamo ng motorista ukol sa paglabag sa batas-trapiko na nakasaad sa notice of violation.

Sinabi ni Bokal Del Rosario na ang programang ito may layuning madisiplina ang mga motorista. “Sa ibang bansa matagal nang ginagawa ito,” sabi pa ni Del Rosario.

Article Categories:
Peace & Order

Leave a Reply

Shares