Hinangaan ni Bishop Ruperto Santos ng simbahang katoliko ang “Balik Basket at Bayong Program” na kaakibat ng kampanyang “No to Single Use Plastic” ng Pamahalaang Panlungsod ng Balanga.
Sa kanyang homily nitong nakaraang araw, sinabi ng butihing Obispo na mas makabubuti na gamitin ang mga babasaging plato, baso, tasa, at metal na kutsara at tinidor sa tuwing kakain at sa boodle fight naman ay masarap kumain sa dahon gamit ang kamay para maiwasan na matambak ang mga plastik na nagiging sanhi ng polusyon sa mga ilog at dagat.
Hihikayatin umano ni Bishop Santos ang lahat ng mga katoliko na suportahan ang naturang programa ng Lungsod.