EducationNews

Cong Joet, pinangunahan ang virtual graduation ng Educhild Parenting program

0

Matapos ang mahigit isang buwan na lingguhang seminar ng mga magulang sa Educhild Parenting Program ni Cong. Joet Garcia ng ikalawang distrito ng Bataan, ay nagtapos ang may 36 na mga magulang at 9 na guro sa nasabing programa.

Sa nasabing virtual graduation ay mismong sina Cong Joet Garcia at Gng. Marilyn Tigas, hepe ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang nagsilbing mga inspirational speakers. Ayon kay Cong Joet, sana ay isabuhay nila ang kanilang mga natutunan sa (10) sampung modules para umunlad pa at higit na maging matatag ang kanilang mga pamilya.
Nagbahagi naman ng kanilang karanasan ang mga magulang na sina G. Sonny Torio at Myra Rubia Knagiranthinan, na nagsabing, malaking bagay at tulong umano sa kanila ang mga natutunan sa Educhild Program.

Sa kanyang closing remarks, sinabi ni Bgy. Capt. Ivan Ricafrente ng Brgy. San Carlos, Mariveles na mahalaga na maging matatag ang bawat pamilya sa kanyang barangay dahil hindi lamang nila sinisigurado ang pagiging family- centered kundi ang progreso ng komunidad.
Masaya ring ibinalita ni Cong Joet na gagawin niyang pilot barangay ang San Carlos kasama ang mga magulang na nagsipagtapos at may mga negosyo sa nasabing barangay sa paglulunsad ng kanyang bagong programa na “cashless payments” sa mga transaksyon sa negosyo na bahagi na rin ng new normal dahil sa pandemya.

Urban renewal, pinag aaralan na ng pamahalaang panlalawigan

Previous article

Pang 12 Negosyo Center, binuksan

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Education