banner

P10M pondo ibinigay ni Sen. Nancy Binay sa bayan ng Pilar

Written by
  • Zeny S.
  • 11 months ago

Isa na namang malaking proyekto ang sisimulan sa bayan ng Pilar matapos ipagkaloob ni Senadora Nancy Binay ang P10 Milyong pondo.

Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, nauna nilang inisip na gamitin sana ang pondong ito para sa pagpapagawa ng Sports Complex subalit dahil sa pandemya ay minabuti nilang ilagay na muna ito sa pagpapagawa ng kanilang legislative building o Sangguniang Bayan building nang sa ganon ay maging maalwan ang mga gagawing sesyon at maayos na pagtanggap sa mga mamamayan na nais makausap ang kanilang mga konsehal ng bayan.

Kaugnay nito, nauna nang sinimulan ang Export Zone sa bayan ng Pilar at ayon pa kay Mayor Pizarro ay maganda ang mga nangyayaring kaganapan sa kanyang bayan subali’t ayaw na ayaw niyang magkakaroon ng isyu sa kapaligiran/kalikasan.

Dagdag pa ng butihing Mayor na, ‘never na never” na gagalawin ang mga taniman ng mga mangrove o bakawan dahil ayaw niyang masasakripisyo ang kapaligiran kahit pa ito ay sa ngalan ng kaunlaran, kung kaya’ t darating ang inimbitahang environmentalist para i-survey ang kabuuan ng lugar.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares