Lalong sumaya ang Christmas lighting sa bayan ng Hermosa sa ginawa nilang bingo night na napakaraming papremyong appliances at cash prizes na umabot sa sampung libong piso.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Jopet Inton na ito na ang ika-7 taon ng pagpapailaw sa kanyang bayan at matapos bumati ng Maligayang Pasko ay hinandugan pa niya ng awitin ang kanyang mga kababayan.
Bumati rin ang kanyang maybahay na si Atty Adorable Inton lalo sa mga ina ng Hermosa.
Nagsilbi namang panauhing pandangal si Board Member Tonyboy Roman.
Lalong naging makulay ang Christmas lighting sa pagkakaroon ng fireworks display
Article Categories:
News