Environment

Paglilinis, isinagawa sa mga barangay

0

Sa kani-kanilang lugar na lang nagsagawa ng paglilinis ang mga taga Lungsod ng Balanga bilang pakikiisa sa International Coastal Clean Up.
Ayon kay City Environment and Natural Resources Officer Nerissa Mateo sa kani -kanilang barangay nilinis ng ating mga kababayan ang mga creek, canal at ilog ng Talisay.
Idinagdag pa ng Environment Officer na nilimitahan ang grupo at sinunod pa rin ang mga ipinatutupad na protocol ng ating pamahalaan tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.

“Halos dalawang toneladang basura ang nakuha ng team ABKD Ayusin Buhayin Kalingain Daluyan ng Tubig Natin ng Lungsod kasama na rito ang mga basurang nakuha ng ating mga kababayan sa Bargy. Cataning at Central”, pahayag ni Bb. Mateo.
Kaugnay nito hinikayat ni Mateo ang mga mamamayan na ugaliing maglinis sa kanilang mga nasasakupan o sa paligid na lang ng kanilang mga tahanan.

Balanga encourages community vegetable farming

Previous article

DENR Bataan conducts bamboo-planting, coastal clean-up

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Environment