banner

Pagtatatag ng National Sports University, isinusulong

Written by
  • Zeny S.
  • 1 year ago

Nakipagpulong si Cong Abet Garcia ng Ikalawang Distrito ng Bataan kina Dr. Prospero E. de Vera III, Chairperson ng Commission on Higher Education (CHED) at mga opisyal ng Bataan Peninsula State University (BPSU) sa pangunguna ng Dr. Gregorio Rodis para masusing pag aralan ang pagtatatag ng National Sports University sa Bataan.

Ayon kay Cong Abet layunin nito na makapagpatuloy ang ating mga atletang kabataan sa napiling larangan kasabay ng paghubog ng mga eksperto sa larangan ng isports.

Dumalo rin sa nasabing pulong si Gov. Joet Garcia at iba pang opisyal ng BPSU.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares