News

Pamilihang bayan ng Mariveles, bukas na

0
oznor

Matapos ang 14-araw na lockdown sa bayan ng Mariveles ay siniguro ni Mayor Jocelyn Castaneda na safe nang mamili sa kanilang palengke.
Sinabi ni Mayor Jocas na bago binuksan ang kanilang palengke ay ipinag utos niya na ang mga tindera/tindero, may ari ng mga stall at iba pang trabahador na maaring pumasok at mag tinda doon ay yong mga natapos nang magpa-swab at negatibo ang resulta.

Inatasan niya ang kanilang Chief of Police, PLtCol Ronald Almirol na pangunahan ang pagibibigay seguridad sa mga kawani ng MHO at PSO sa kanilang pag iinspeksyon at ipasasara ang mga pwesto sa nasabing palengke na hindi sumunod sa kautusan.
Matatandaang 9 na barangay sa bayan ng Mariveles ang sumailalim sa 14-day lockdown matapos magtala ang mga ito ng double digit cases ng COVID-19.

Hiningi ni Mayor Jocelyn Castaneda ang pang unawa ng kanyang mga kababayan at sinabing ito ay pagtugon sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19.
Sinabi rin nya na malaki ang naitulong ng lockdown upang mapigilan ang hawahan kung kaya’t malaki ang ibinaba ng bilang ng mga kaso sa kanilang bayan.
Sa ngayon ay balik-sigla na ang palengke sa unti unting pagbubukas ng mga pwesto na.

Mandatory testing ng baboy, kailangan

Previous article

Bagac agad umaksyon sa muling pag atake ng ASF

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News