banner

Pang 29 na vax site sa Bataan, binuksan sa Hermosa

Written by
  • Mhike R. C.
  • 1 month ago

Pormal na binuksan nitong Martes ang ika-29 na vaccination site sa lalawigan ng Bataan at ikalawa sa Bayan ng Hermosa. Matatagpuan ito sa compound ng Bamban Elementary School, Brgy. Bamban, Hermosa.

Pinangunahan ito ni Bataan Vice Governor Cris Garcia, Hermosa Mayor Jopet Inton, Hermosa MHO chief Dr. Bismarck Abad, Mr. Joey Gaza, punong guro ng Bamban Elementary School at Bamban Punong Barangay Kap. Medardo Miranda.

Ang programang ito, ayon kay Mayor Inton ay tugon ng Pamahalaang Bayan ng Hermosa sa panawagan ni Bataan Governor Abet Garcia, sa mas mabilis na pagbabakuna upang maagang makamit ang herd immunity sa probinsya ng Bataan nang sa gayon ay mas masaya nating ipagdiriwang ang Kapaskuhan.

“Ito po ay para mas maraming mabakunahan sa ating Bayan, sa mga tiga-upland, at hindi na mamasahe papuntang Bayan para magpabakuna,” pahayag ni Mayor Jopet sa panayam ng 1Bataan News.
Ang unang vaccination site sa Hermosa ay matatagpuan sa compound ng Saint Peter of Verona Academy.

Sa Barangay Bamban din pormal na pinasinayaan ang Vax on Wheels na marami nang mga malalayong lugar na napuntahan para sa mga Bataenyong nasa malalayo at upland villages at work places na walang kakayahan o oras na magtungo pa sa mga vaccination sites.

As of September 11,2021, umabot na sa 10,884 ang naturukan ng 1st dose kontra Covid-19 at 5,321 ang fully vaccinated sa bayan ng Hermosa.

Article Tags:
·
Article Categories:
COVID-19 News · News

Leave a Reply

Shares