Pinangunahan nina Mayor Cynthia Estanislao at Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Director Nellin Cabahug ang pagbubukas ng Negosyo Center sa bayang ito noong ika-25 ng Nobyembre.
Ayon kay Provincial Director Cabahug, ito ang ika-sampung (10) Negosyo Center na itinayo o binuksan ng DTI sa lalawigan.
“Ang layunin natin ay para madevelop ang mga entrepreneurs ng Morong through product development, exposure to market, mabigyan silang training at kaalaman para lalong mapalago ang kanilang negosyo” dagdag pa ni PD Cabahug.
Sinabi pa ni PD Cabahug na maraming produkto ang Morong na kailangang makarating at makilala hindi lamang sa Bataan kundi maisali din sa mga Trade Fair tulad ng Likha ng Central Luzon at upang ipromote din ang mga beaches at resort dahil ang bayan ng Morong ay isang tourist destination.