banner

Pangingisda sa bayan ng Samal, naging masagana sa panahon ng pandemya

Written by
  • Zeny S.
  • 5 months ago

Pag sinabing pandemya, negatibo agad ang nasa isip natin, pero kaiba para sa mga mangingisda sa Brgy. Tabing-ilog sa bayan ng Samal dahil ayon sa kanila, mas naging masagana ang “huli” nila sa panahon ng pandemya.

Ayon kay Mayor Aida Macalinao, dahil napahinga umano nang matagal ang mga mangingisda sa paglabas sa dagat dulot ng pandemya, nagkaroon ng pagkakataon ang mga isda at iba pang lamang dagat na lumaki at magparami, kung kaya’t nang mangisda na sila ay naging masagana ang kanilang huli.

Samantala sinabi naman ni Konsehal Glenn Velasco, chairman ng Environment Committee, ayon umano sa kanyang mga kabarangay na mangingisda, kung dati umano ay nakakahuli lamang sila ng 3 hanggang 4 na kilo ng isda at iba pang lamang-dagat, ngayon umano ay umaabot sa mahigit 10 kilo ang nahuhuli nila katumbas ng apat na libong piso isang araw kung kaya’t gayon na lang ang kanilang katuwaan.

Upang mapangalagaan pa ang karagatan, sinabi ni Mayor Macalinao na paiigtingin pa nila ang kanilang mga bantay dagat dahil marami umanong mga pasaway na mga mangingisda na gumagamit ng sudsud sa panggagasang, isang gamit sa pangingisda na ultimong maliliit na isda ay nahuhuli, na mahigpit na ipinagbabawal sa batas ng pangisdaan.
Sisiguruhin umano nila na walang sisinuhin sa mga lalabag sa batas ng pangingisda.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares