banner

Pascual humingi ng dispensa

Written by
  • Greg R.
  • 5 months ago

Humingi ng paumanhin si Orani Mayor Efren E. Pascual, Jr. sa mga mamamayan na kanyang nasasakupan dahil sa pagkakaantala ng bakuna laban sa Covid-19.
Sinabi ni Mayor Bondjong na umabot na sa 4,200 residente ang nabakunahan na ng second dose sa Orani.

Ayon pa sa alkalde, halos lahat umano ng senior citizens sa Orani ay nabakunahan na. Hinikayat niya ang mga opisyal ng barangay na makipagtulungan sa vaccination program sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang inpormasyon at pagpapatupad ng health protocol.

“Hopefully, mapapabilis na ang pagdating ng vaccine at maibalik na sa normal ang ating pamumuhay, at tuluy-tuloy din po ang paalala natin sa mga kapitan ng barangay ukol sa pagpapatupad ng mga alituntunin ukol sa makabagong teknolohiya,” sabi pa ni Pascual.

Ibinalita rin ng anak ng dating gobernador Efren Pascual Sr. na ihanda na ng mga kapitan at frontliners ang mga requirement sa Balikatan ID na magagamit sa pagkuha ng food subsidy at medical assistance sa Department of Social Welfare and Development.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares