Nakipagpulong noong ikalawang araw ng December ang mga kinatawan mula sa Petron Corporation, kasama ang Nague Malic Magnawa & Associates (NMM) Customs Brokers, kay District Collector Blesilda N. Balagtas at Chief of Customs Bonded Warehouse (CBW) Atty. Sajid N. Jacalne sa Port of Limay. Layunin ng pagpupulong na talakayin ang operasyon at saklaw ng Customs Bonded Warehouse Extension ng kumpanya.
Tinukoy sa pulong ang mga usaping kaugnay sa awtoridad ng Petron Corporation na mag-operate ng Extension Warehouse sa ilalim ng CBW Registry No. M-02D, na nasasakupan ng Port of Cebu. Ang naturang pahintulot ay aprubado ng Bureau of Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno.
Tinalakay ng magkabilang panig ang mga rekisito sa regulatory compliance, mga operational procedure, at koordinasyon upang matiyak ang maayos at legal na operasyon ng Petron Corporation’s Customs Bonded Warehouse Extension.
Tiniyak naman ng Petron Corporation ang kanilang buong pagtupad sa lahat ng alituntunin at direktiba ng Bureau of Customs para sa patuloy na ligtas, transparent, at episyenteng operasyon ng kanilang pasilidad.