Philhealth Bataan tinalakay ang YAKAP guidelines sa isang seminar

Nauna munang mag-courtesy call ang grupo ng PhilHealth Bataan sa pamumuno ni Mr. Edmund Manuel, sa tanggapan ni Mayor Ron del Rosario, bago ang re-orientation seminar.

 

Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Bagac ay kanilang isinagawa ang PhilHealth YAKAP Re-orientation Seminar kung saan ay tinalakay ang Guidelines sa YAKAP, Operational Procedures, Best Practices na ginanap sa Psalm Hotel sa nasabing bayan.

 

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Ron del Rosario na malaking tulong ang YAKAP o ” Yaman ng Kalusugan” Program para masiguro ang consistent service delivery, maayos na patient management at epektibong paggamit sa mga benepisyo ng Philhealth, na sana’y lubos na maipaliwanag sa mga tao.

 

Samantala ayon naman kay Mr. Manuel, ang pakikipag-ugnayan ng kanilang ahensya sa mga pamahalaang bayan, ay upang maipaliwanag ang kabuuang programa ng Yakap gayundin mapalakas ang serbisyong pangkalusugan para magamit ng mga mamamayan ang mga programa ng Philhealth gayundin ipinaliwanag ang iba pang concern ng mga tao tungkol sa Philhealth.

Leave a comment

Live Search