banner

Pilar Job Fair 2024

Written by
Pilar Job Fair 2024
  • Zeny S.
  • 2 months ago

Kasabay sa paggunita sa Araw ng Kagitingan ay malaking paghahanda ang isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Pilar sa pangunguna ni Mayor Charlie Pizarro para sa isang malaking Job Fair na may temang, ” Care for Pilarians para sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan” na gaganapin sa April 10, 2024, mula 8am hanggang 3pm sa Municipal Covered Court.

Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, ito ang pagkakataon para ipakita sa kanilang mga kababayan ang kanilang pagmamalasakit na umangat ang katayuan nila sa buhay sa pagkakaroon ng magandang hanap-buhay. Ang kanyang opisina, kasama ng PESO at iba pang mga tanggapan at ahensya ay nagtulung- tulong upang makapag- imbita ng mga local at overseas companies para mabigyan ng job opportunities ang kanyang mga kababayan.

Ang lahat umano ng mga interesadong lumahok ay inaanyayahan na magparehistro sa kanilang opisina o kaya ay sa PESO upang masiguro na may nakalaan na slot sa kanilang pag a-apply sa iba’t ibang kompanya sa nasabing Job Fair.

Ang pagrerehistro ay hanggang April 9, 2024 na lamang kung kayat huwag umanong palagpasin ang napakagandang pagkakataon na ito para makahanap ng trabahong tugma sa inyong kakayahan.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares