Hindi malayong madaig ng bayan ng Pilar ang Lungsod ng Balanga at maging siyudad na rin ito sa darating na panahon dahil sa “malahiganteng” proyekto na sinisimulan na sa nasabing bayan.
Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, tatlo hanggang limang taon mula ngayon, ay mababago ang economic landscape ng bayan ng Pilar dahil sa napakaraming establisimyentong itatayo dito na magiging sentro ng komersyo at libangan (business and leisure) sa Bataan.
Malaki ang pasasalamat ni Mayor Pizarro kay Gov. Abet Garcia dahil napili ang bayan ng Pilar upang pagtayuan ng may P4B worth ng mix-used development projects at sa tulong ng mga legislative measures ni Cong. Joet Garcia, naging posible ang nasabing proyekto.
Ang isa pa umanong tiyak na makapag- papaangat sa kabang bayan hindi lamang ng Pilar kundi maging sa lalawigan ng Bataan ay ang direct link ng road network mula sa sinasabing “city hub” ng bayan ng Pilar patungo sa itinatayong airport sa Bulacan.
Ngayon pa lamang ayon kay Mayor Pizarro ay nagsasagawa na sila ng masusing sa maaaring mangyaring paglobo ng mga tao, traffic, maging ang pangangailangan ng dagdag na transportasyon, pabahay, gayundin ang mga kinakailangang skills na dapat matutunan ng kanyang mga kababayan dahil sila ang kanyang prayoridad na makakuha ng trabaho sa nasabing proyekto.