NewsSocial Welfare

Pitong Sr. Citizens sa Samal, nabigyan ng cash incentives

0

Pinangunahang muli ni Mayor Aida Macalinao ng Samal, ang paghahatid ng tulong pinansyal sa mga senior citizens na umabot sa edad na siyamnapu.

Nabiyayaan ng tig-5,000 cash incentives sina Lola Dolorosa Dagode at juanita Nico ng Brgy. Gugo, Menedora Mena at Gloria Hernandez ng Brgy. San Juan, Consolacion Navarro at Liwanag Silvestre ng Brgy. East Calaguiman at Belen Isidro ng Brgy. Palili.

Ayon kay Mayor Macalinao nagdulot ng inspirasyon sa kanila ang kasiyahang nakita nila sa mga mukha ng mga lola matapos matanggap ang munti nilang regalo sa kanilang kaarawan. Hangad umano niya, na humaba pa ang kanilang buhay hanggang isandaang taon upang maipagdiwang pa nila ang pagiging centenarian.

Natutuwa din umano siya na bagama’t salat sa marangyang buhay ay naitawid ng ating mga lola ang maayos at matiwasay na buhay araw-araw, kung kaya’t nasabi niya na wala sa edad o estado ng buhay ang pagiging matibay kundi nasa sa puso at pananampalataya sa Diyos.

COVID-UPDATE: SEPTEMBER 30, 2020

Previous article

Hindi pa tapos ang laban sa COVID

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News