banner

Post-Disaster Damage Assessment ginawa na sa Samal

Written by
  • Zeny S.
  • 3 years ago

Matapos ang matinding hagupit ng bagyo, pinangunahan ni Mayor Aida Macalinao ang Post- Disaster Damage Assessment and Needs Analysis (PDDNA) kasama ang MPDO-DRRM Office.

Ayon kay Mayor Macalinao, sa kasalukuyan ay may 329 na kababayan pa rin silang nananatili sa mga evacuation centers na mula sa mga Brgy. San Juan (Samal North Elem School evacuation center), Brgy. Tabing ilog ( St. Catherine of Sienna Academy evacuation center) at Brgy. Lalawigan (Lalawigan Elem. School evacuation center).
Nagpasalamat si Mayor Aida sa mga kawani ng MDRRM office dahil sa kanilang ginawang assessment ay higit nilang nakita ang mga pangangailangan ng kanilang mga kababayan na naapektuhan ng bagyong Ulysses.

Sa pangunguna ni Madel Bathan-Sayo at Jayson Gloria mula sa tanggapan ng MPDO sa patnubay ni Gng. Elizabeth Santos-Cruz na OIC ng nasabing tanggapan, ay direkta nilang nakuha ang kalagayan ng bawat barangay sa gayon ay malinaw silang makagagawa ng mga hakbang para sa mga kababayan nilang nasa mga evacuation centers gayundin ang iba pa nilang mga kababayan na naapektuhan ng bagyo.

Pinasalamatan din ni Mayor Aida ang kanyang mga kawani at iba pang mamamayan na tumulong upang agarang magsagawa ng clearing operation kinabukasan matapos ang bagyo sa mga barangay lalo na yong nasa upland bgys dahil sa napakaraming punong nabuwal na nakaharang sa daan.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares